Filtered By: Showbiz
Showbiz

Latest controversy makes Dingdong-Marian relationship stronger


Inihayag ni Dingdong Dantes na lalong naging matatag ang relasyon nila ni Marian Rivera sa kabila ng mga naglalabasang kontrobersiya. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, inihayag ng aktor sa isang pahayag na hindi nagbabago ang pagmamahal niya kay Marian. Ito ay bunga na rin ng naglabasang balita na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Marian at co-star nila sa Endless Love na si Bela Padilla. Nitong Miyerkules ay iniulat na winakasan na nina Marian at Bela ang anumang hindi nila pagkakaunawaan matapos silang mag-usap kasama ang ilang executives ng Kapuso Network.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon kay Dingdong, mananatili ang kanyang suporta kay Marian at lagi siya sa likod ng aktres anuman ang mangyari: “ As someone who believes in Marian’s character and loves her dearly, wholeheartedly, without boundaries, in this life or in the next I would like the public to know that I will be behind her…in fulfilling her dreams and aspirations." Mas nais daw pagtuunan nila ng pansin ni Marian ang mga positibong bagay sa bahuy, at laging isasaisip ang mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanila. - FRJimenez, GMANews.TV