Filtered By: Showbiz
Showbiz

Aira Bermudez breast exposed during Survivor Philippines challenge?


Matapos magkaroon ng allergy last week, sinasabing “nakitaan" naman ngayon ng dibdib ang 'SexBomb' dancer member na si Aira Bermudez sa isinagawang immunity challenge ng Survivor Philippines: Celebrity Showdown. Mas matindi ngayon ang kompetisyon ng dalawang natitirang tribu – ang Nagar at Sar Mayee – kasunod ng pagbuwag last week sa Magan tribe makaraang tatlong miyembro na lamang nito ang matira.

SexBomb dancer Aira Bermudez sa immunity challenge ng Survivor Philippines: Celebrity Showdown
Sa episode nitong Martes ng Survivor Philippines, sinabi ng host na si Richard Gutierrez na isang tribu na lamang ang mananalo sa gagawing immunity challenge na tinawag na “unggoy-ungguyan." Sa naturang challenge, kailangang pumili ang magkabilang tribu ng apat na miyembro na maglalabitin at aakyat sa lubid upang kunin ang mga bag na may lamang puzzle. Apat na miyembro rin ang nakatoka para buuin ang puzzle kapag nakumpleto na ang mga ito. Naunang sumabak sa paglambitin sina Ian Batherson para sa Nagar at si Akihiro Sato para naman sa Sar Mayee. Nang matapos ang dalawa, sumunod si Aira para kay Ian, pero matindi ang nakatapat niya sa Sar Mayee na si track and field queen Elma Muros. Sa paglambitin pa lang sa mga lubid na mistulang baging, makikitang nakipagsabayan ng husto si Aira sa mas matipuno ang katawan na si Elma. Halos sabay silang nakatapak sa platform upang akyatin naman ang lubid kung saan nakakabit ang mga bag. Ngunit dahil sa desididong ipanalo ang challenge, hindi na alintana kay Aira na nakasuot lamang siya ng two piece bikini ay bahagyang natatakpan ng nakabalot na tela sa katawan. “Hindi ko alam kung anong itsura ko," kuwento ni Aira sa snap interview tungkol sa ginawang paglambitin sa mga lubid. Sa naturang episode, mapapansin na ilang beses nilabuan ang television screen sa bahagi ng dibdib ni Aira sa kanyang pag-akyat sa lubid hanggang sa pagtakbo pabalik sa kanyang tribu. “Nahubaran siya kasi pagtakbo niya galing doon, nakuha yung isang piece ng puzzle, yun nakalitaw na yung …. ganyan. Oo, nakitaan siya," ayon kay Pretty Trizsa. Ipagpapatuloy sa Miyerkules ang pagpapalabas sa naturang immunity challenge at kung sino ang nanalo. Una rito, sinuri ng duktor ang kalusugan ni Aira matapos magkaroon ng allergic reaction ang kanyang katawan sa kanyang nakain. Ilang followers ng Survivor Philippines sa Facebook ang nagpahayag ng paghanga sa ipinakikitang determinasyon at kawalan ng kaartehan sa katawan ni Aira na handang nakipagsabayan sa mga kapwa celebrity castaways. - Fidel R Jimenez, GMANews.TV
LOADING CONTENT