Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mark Herras speaks up about his alleged 'webcam scandal'


Nagsalita sa showbiz talk show na Startalk nitong Sabado si Mark Herras tungkol sa kumakalat na malaswang larawan umano ng young Kapuso actor na kuha mula sa web camera o webcam.

Ang lalaki na sinasabing hawig ni Mark Herras sa kontrobersiyal na webcam
Sa naturang panayam, mariing pinabulaanan ni Mark na siya ang lalaki sa webcam na sinasabing nagpakita ng maselang bahagi ng katawan sa ka-chat na isa ring lalaki. Bagaman malaki ang pagkakahawig ni Mark sa lalaking makikita sa webcam, sinabi ng aktor na kapansin-pansin na wala itong bigote at balbas na taglay niya nang panahon na makunan ang larawan batay sa nakasaad sa date frame sa webcam. Paliwanag ni Mark, lumitaw na buwan ng Abril ang nakasaad sa date frame ng webcam kung saan ginagawa niya ang soap na Paano ba ang Mangarap kung saan ang karakter na ginagampanan niya ay may bigote at balbas. Napag-alaman din dumalo si Mark sa isang event ng GMA 7 nang araw na gawin ang pakikipag-chat ng lalaking hawig sa aktor. Ngunit hindi umano natapos ni Mark ang naturang event at nagpaalam siyang umalis ng maaga dahil masama ang kanyang pakiramdam. Napangiti rin lang si Mark dahil lumilitaw na lalaki rin ang ka-chat ng misteryosong lalaki sa webcam na pinagpakitaan nito ng maselang bahagi ng katawan. “Gusto niyo bang mang-intriga na bading ako," tanong ni Mark na ilang ulit na ring napasok sa kontrobersiya dahil sa mga babaeng nag-aakusang nabuntis o naanakan niya. (Basahin: Mark Herras denies impregnating showbiz 'newcomer')
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Patuloy ni Mark, kahit minsan ay hindi umano niya ginamit ang kanyang tunay na pangalan kapag gumawa ng account sa mga social networking site. Bagaman hindi umano siya naapektuhan sa mga iskandalo, aminado si Mark na mas nag-aalala siya sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay. Hindi ito ang unang pagkakataon na naintriga si Mark sa “porno" scandal. Noong 2006, hindi napigilan ni Mark na mainis nang kunan ng reaksiyon sa umano’y “sex video" nila ng dating kasintahan na si Jennylyn Mercado. Sa panayam noon kay Mark, sinabi ng actor na walang nakapagpakita sa kanya ng naturang sex video na nilagyan ng titulong “jennylyn" na ikinalat sa Quiapo. - Fidel R Jimenez, GMANews.TV