Filtered By: Showbiz
Showbiz

Castaway Solenn Heussaff: 'I wanna be single for two years'


Kahit nali-link sa Kapuso star na si Richard Gutierrez, idineklara ng Survivor Philippines celebrity castaway na si Solenn Heussaff na nananatili siyang “single." “I’m single. I wanna be single for two years," pahayag ni Solenn sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Hindi man sabay na dumating, present sina Solenn at Richard sa isang event kung saan inamin nila sa showbiz press na madalas silang magkasama at magtawagan. Pero hindi raw iyon dapat bigyan ng ibang kahulugan maliban. Paliwanag ng dalaga, matalik niyang kaibigan ang kakambal ni Richard na si Raymond kaya natural na makasama rin niya ng madalas ang Kapuso star. Pahabol nina Richard at Solenn, kapwa sila nag-eenjoy sa pagiging single.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Samantala, sinabi ni Richard na ngayon lang niya napapanood ng buo ang Survivor Philippine Celebrity Showdown. Kahit siya ang host ng hit reality series, hindi raw niya batid kung papaano maglaro ang mga castaway kapag nasa kanilang mga kampo. “I really don’t know how people were playing. So ngayon ko lang napapanood mga personalities nila ‘pag nasa camp sila…a lot of big revelations," ayon kay Richard. Inamin naman ni Solenn na marami ang nagagalit sa kanya lately. Paniwala niya, may kaugnayan ito sa pagboto niya para mapaalis sa isla si Mico Aytona. (Basahin: 'Bunso,' 6th castaway voted out of Survivor Philippines) “Lately I been having a lot of haters because it think Filipinos forget that it’s (only) a game," ayon kay Solenn na puring-puri ni Richard sa ipinapakita nitong laro sa Survivor Philippines. - FRJimenez, GMANews.TV