Filtered By: Topstories
News

Toto Mangudadatu: Trying to rule land of Ampatuans


Almost a year ago, 57 people were massacred as they were on their way to file the candidacy of Esmael “Toto" Mangudadatu, a member of the powerful Mangudadatu clan of Sultan Kudarat who dared to challenge the Ampatuan family for the gubernatorial post of Maguindanao. A year later, Mangudadatu is now a non-Ampatuan governor in a province still dominated by the clan accused of killing his family members and supporters. Indeed, Mangudadatu has his work cut out for him. Not only must he uplift one of the Philippines’ poorest provinces, but he must stay alive while doing so. He says Ampatuans and their followers are still all around him. "Napakadami pa diyan -- 'yung apo, 'yung pamangkin na nahalal din bilang isang alkalde. At 'yung kanilang mga direct relatives na naghahawak ng baril. More than 600 armed men nandiyan pa rin po. Kaya ako ay nananawagan din na sana paigtingin ang seguridad. At kung totoong ginagawa ito, hahanapin na po sila. Kasi nandiyan lang din ‘yan sa lugar na ‘yan." said Mangudadatu. (There are so many Ampatuans still in power-- the grandchildren and newphews that were elected to office. And also direct relatives that are part of the private armies. There are still more than 600 armed men. That's why I'm calling for tighter security. If they're breaking the law, apprehend them. They're in Maguindanao.) Last October 16, Mangudadatu sat down for a rare one-on-one interview with GMA News and Public Affairs reporter Rhea Santos, who is also a co-host of the GMA Public Affairs program Reporter’s Notebook. During the interview, Mangudadatu talked about a range of topics, including his plans to investigate the Ampatuan’s allegedly stolen wealth, allegations that he set up the massacre for his own political advancement, his past as a former ally and adviser to the Ampatuan family, and even rumors about his love life. Though parts of this interviewed aired on Reporter’s last October 19, 2010, GMANews.TV has now made the full 30-minute interview available to the public. The episode was segment produced by Eleazar del Rosario and researched by Athena Imperial. The transcript and the video are below. Rhea Santos: Gov, kumusta na ho ang Maguindanao? Gov. Esmael “Toto" Mangudadatu: Ok lang po. Ang Maguindanao ngayon, nagre-recover, ano? At medyo peaceful na rin kami except ‘yung mga glitches na mga nangyayari, and itong recently lang may nangyari. RS: Which is? EM: (May) na-gang rape, ano. Medyo masalimuot ‘yun. RS: Isa ho ang Maguindanao sa itinuturing na-- actually, ikatlo sa itinuturing na pinakamahirap na probinsiya sa Pilipinas. Paano niyo ho tinutugunan itong problemang ito? EM: ‘Yan ang gusto naming matalakay din-- kung paano kami maalis doon sa isa sa pinakamahirap na probinsiya sa buong Pilipinas. Ang ginagawa po namin ngayon, (ang) mga proyekto namin, kung paano namin ma-alleviate i’yung poverty. Nasa poverty line kasi kami. So, ang ginagawa po naming, unang-una, nagdi-disperse kami ng free planting materials. Nasa amin ‘yung oil palm industry. ‘Yung processing plant at itong rubber seedlings ibinibigay po namin ‘yan palibre sa mga tao. And of course, ‘yung livelihood nila--tini-train din namin sila kung paano sila maging capable in handling their businesses. RS: Gov, mahirap daw ang Maguindanao, pero mapera ang mga pulitiko? EM: Alam mo, sila ang mapera—’yung mga kalaban ko. RS: Paano niyo babaguhin itong imahe ng Maguindanao, lalo na’t negatibo ho sa ilan nating kababayan? EM: Alam mo, doon sa support and cooperation of the people, hindi po imposible. At saka, ako, totoong pulitiko. Serbisyo lang ang aking pinapatupad, at kung kailangan nga, gusto kong umengganiyo ng mga investors tulad ng ginawa ko noong alakalde pa ako. Sa buong Maguindanao, sa amin lang po ang mayroong napakaraming multi-national investors. RS: Ano ho ba tingin niyo ang balakid sa pag-unlad ng Maguindanao? Anong naging problema? EM: Dahil sa politics. ‘Yung mga politicians hindi naging totoo sa kanilang serbisyong totoo. RS: For a very long time? EM: Yeah, for a very long time. RS: So, sinasabi niyo, ngayong nakaupo na kayo, magiging iba ang Maguindanao? EM: Magiging iba kasi medyo istrikto ako. Talking of governance, istrikto ako. RS: But you’ve been in politics for a very long time. EM: Yeah. RS: Ibig ninyong sabihin, wala kayong boses noong mga panahong yun? EM: Noong mga panahon na ‘yun, talagang hawak kami ng mga kuko ng agila. Napakahigpit. Kung magsasalita kami, papatayin ka. Kumbaga lulumpuhin ka. Tatanggalin ka sa politics. RS: So kung mababa ho ang posisyon niyo balewala talaga? EM: Balewala talaga, wala kang boses pero nagkaroon lang ako ng lakas ng loob noong aking makita ang ginagawa nilam sobra sobra na ‘yung pagkakamkam, pagsasamsam ng pera ng bayan. RS: At ito ho ‘yung naging mitsa ng Maguindanao massacre? EM: Ito ‘yung naging mitsa. RS: Kumusta na ho kayo, isang taon matapos ho maganap itong malagim na Maguindanao massacre? EM: Mahirap pong maka-recover. Lalong-lalo na ‘yung mahal mo sa buhay nawala at ‘yung mga kapatid ko, relatives ko. Lahat ng media doon, mga journalist doon, kaibigan ko po ‘yun. May kumpare ako doon. Tapos ‘yung aking dalawang abogado--‘yung isa doon, classmate ko noong nag-aaral pa sa law. RS: Gov, sa tingin niyo ho ba, makakakita kayo ng puwang sa puso niyo para patawarin itong mga Ampatuan? EM: Mahirap pong magpatawad sa ganyang karumal-dumal na krimen. Napakadilim na ginawa sa buong mundo. RS: Ano hong nararamdaman niyo isang taon matapos ho? May galit pa ho ba? Naka-move on na kayo? EM: Ang galit nandiyan lagi. Galit ko sa mga culprits, ano ? Bakit nila ginawa ‘yun sa aking asawa? Sa aking mga kaibigan? (Sa aking mga) mahal sa buhay na wala man lang kalaban-laban? Wala silang gagawing masama kundi magpa-file lang ng aking candidacy. Sa move on naman, ito -- pinipilit ko po na maging mapanatag at maganda ang takbo ng aming pang gobiyerno. RS: Gaano ho ba kalalim ang away ng mga Ampatuan at Mangudadatu? EM: We are allies before. Ngayon, noong aking makita at akin na mismong nasisilayan ang mga ginagawa nila--’yung pag-patay ng mga tao, pag-massacre ng mga tao--ako’y nagsalita sa kanila. Sabi ko, “Kapag hindi niyo hininto ‘yan, ako’y titiwalag sa inyo." Ako’y isa sa matalik nilang kaibigan. At noong nangangampaniya itong si Zaldy Ampatuan, ako mismo halos nag-aadvise sa kaniya na, “Ganito ang sabihin mo sa camera. Ganito ang sabihin mo sa media." Kung baga, nag-silbing adviser din nila sa magandang pamamaraan. RS: Ibig-sabihin, kung matagal niyo nang nasasksihan ito, ilang taon din ho kayong nanahimik? Why did you choose to keep silent about it? EM: Matagal din. Dahil lahat ng mag-aano, papatayin pagka nagsalita. At ako’y naglakas ng loob na sabihin ko na lang lahat, at gagawin kong sumalungat sa kanila. RS: Ano ho ‘yung punto na talagang, ito na? EM: Noong may pumunta sa akin na kanilang biktima, na isa sa chini-chainsaw nila, at itong binaril nila. Nandito sa akin ngayon. RS: Ano ‘yun, chin-chainsaw? EM: Chini-chainsaw ‘yung mga kasamahan niya, at siya, durog-durog ‘yung tummy, ‘yung tiyan. At ito’y nakaligtas at nabuhay. Pina-hospital ko pa siya. Marami po akong kinukupkop ngayon na mga biktima nila at pinatay na ‘yung kamag-anak. RS: So sinasabi niyo, magkakaibigan kayo dati, pero dahil sa mga nasaksihan niyo— EM: Ayun, tumiwalag po ako sa kanila. RS: Tumiwalag ho kayo sa kanila. Ito hong rido, kung baga, accepted na, no? O nasa kultura na? Most particularly sa Maguindanao. Talaga ho bang may rido sa pagitan ng Mangudadatu at ang mga Ampatuan? EM: Wala kaming rido. Wala kaming rido. Dahil hindi kami nag-aaway ng mga family-family. Dahil lahat po kami, nakapag-aral halos na pamilya. RS: Sa Mangudadatu side? EM: Sa Mangudadatu side. RS: Ang sinasabi niyo ho, never ho kayong nag-engage sa mga ganiyang aktibidad? EM: Oo. Hindi kami (nag-engage). Ang batas ang aming pinapairal. RS: Okay. Back in 2001, sa records ho, mayroon din ho kayong mga kasong isinampa sa iniyo? EM: Mayroon mga kasong isinasampa sa akin noon. ‘Yung mga vigilantes kasi, ayaw nila ng mga drugs, no? Na kung may namamatay man doon sa aming lugar, mga drug addict at drug pushers ‘yun. Now ang sinasabi (nila), ako daw ang nagpapapatay dahil ako ang alkalde noon. At ang katotohanan doon, hindi ako pwedeng pumatay ng tao. It’s the vigilantes who are doing that kind of (thing). RS: Hindi niyo rin ho inuutos? EM: Hindi ko rin inuutos. Mahalaga ang buhay sa akin. RS: Sa Sultan Kudarat, kayo daw ho ang-- ang Mangudadatus (daw) ang Ampatuans sa Sultan Kudarat? EM: Alam mo, ma’am, ang Sultan Kudarat province, ano? Ninety-five percent of the population are Christian brothers. So paano kami magiging politicians diyan, leaders diyan, kung… alam mo naman, (ang mga) Christians, napaka-ano diba? So bakit Mangudadatu pa rin ang nag-lelead doon? Maganda ‘yung serbisyo namin. RS: Satisfied ho ba kayo sa itinatakbo ng kaso? EM: Ma’am, masasabi ko lang na satisfied ako kapag nakita ko ‘yung hustisiyang naibigay sa amin. RS: At sa puntong ito, isang taon matapos ngang mangyari ‘yun, sa tingin niyo mabilis ang paggulong ng kaso? O talagang normal na ho ito sa Pilipinas, ‘yung ganitong pag usad ng kaso? EM: Normal na ito, ma’am. Pero aking hinihiling kay Presidente Aquino o PNoy at kay Justice Secretary, pati na po doon sa Suprema Korte, na sana bigyan ng special court itong Maguindanao Massacre. Kung baga, tanggalan ng ibang burden, (ng) mga assignments, itong si Judge Jocelyn Reyes, ano? Upang magkaroon tayo ng mabilisang usad. Tulad ng nangyaring Vizconde Massacre. Binigyan siya ng special court, no? So napabilis po ‘yung usad. RS: Kahit kayo ang gobernador ngayon ng Maguindanao, ramdam niyo pa rin ho ba na may kapit pa rin ang mga Ampatuan doon sa inyong lugar? EM: Doon sa naiwan nilang splinters, no? Kung baga itong remnants nila. Napakadami pa diyan--‘yung apo, ‘yung pamangkin na nahalal din bilang isang alkalde. At ‘yung kanilang mga direct relatives na naghahawak ng baril. More than 600 armed men eh nandiyan pa rin po. Kaya ako ay nananawagan din na sana paigtingin ang seguridad. At kung totoong ginagawa ito, hahanapin na po sila. Kasi nandiyan lang din ‘yan sa lugar na ‘yan. RS: So you still fear for your life? EM: Mayroong fear talaga. RS: Marami pa rin hong death threats? EM: Marami po. Hindi po nawawala ‘yan. RS: In the form of text messages, o talaga mismong actual na death threats? EM: Alam mo, may mga feelers din po ako. Kasi siyempre, nasa gobiyerno tayo. At sinasabi nila, “Gov, mag-ingat ka. Kasi may mga silensyong gumagala ngayon at pwedeng i-assassinate ka." At noong nakaraan nga, doon sa korte, noong nagkaroon kami ng hearing, ay binantaan din ako ni Unsay na susunod nga ako. RS: Paano niya ho ginawa yun? EM: Dinuro-duro niya ako niya ako doon sa loob. RS: Nagkaharap ho kayo? EM: Oo, nagkaharap. Medyo malayu-layo. Siguro mga six meters away from me. And I even told him that, “Bakit ang kaya mo lang patayin ‘yung mga babae? Walang kaalam-alam doon sa ano, at walang kasalanan." Sabi niya, “Ikaw ang susunod." RS: Wow. How did you feel that time? EM: Siyempre, ako naman, patay na ‘yung asawa ko, pati ‘yung mga mahal ko sa buhay. Eh, siyempre, sino ba namang tao? I am 100-percent human being and normally magrereact talaga ako doon. RS: Nagamit lang daw ho itong Maguindanao Massacre, lalo na si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., para umusad itong political career ninyo sa Maguindanao? EM: Ma’am, matagal na po kaming politicians. Matagal na po kaming leader. Hindi namin pinapangarap na patayin ‘yung aming pamilya upang magkaroon ako ng sikat na pangalan at aangat, uusad ang aking political career, no? Hindi po. Ang pangarap ko po, mag-serbisyo lang sa publiko. Ipakita po ang totoo. RS: Kung kayo ho ang magbibigay ng parusa sa mga Ampatuan, ano ho dapat? EM: Kung sana ibalik ang lethal injection. ‘Yung pinaka, talagang malalim na parusa sa kanila. RS: Sa tingin niyo ho, walang kapatawaran ‘yung— EM: Walang kapatawaran para sa akin. RS: Ano ho ang plano niyo ngayon? Sinasabi niyo kanina, parang iba ang set up ng pulitika ng Maguindanao. Hanggang ngayon, halong Ampatuan, Mangudadatu, mga allies niyo. Paano ngayon uusad ang Maguindanao kung ganiyan? EM: Alam mo, Ma’am, ‘yung ibang Ampatuans, dahil umaano na din sila sa akin. ‘Yung kapatid ni Andal Ampatuan, ‘yung dalawang kapatid niya, board members, no? At ‘yung mga pamangkin niya. Sila naman ay walang kasalanan at hindi sila kasama sa pag patay sa aking pamilya. Hindi naman lahat ng Ampatuan eh masama, eh. RS: Wala ho bang kampihan yan? Siyempre kama-kamag-anak, pami-pamilya? EM: ‘Yun ang lagi kong ine-emphasize sa kanila. Sabi ko, itong ating pang-gobiyerno ngayon, kumbaga, nakawala tayo sa hawla at mga mahipit na kuko ng agila. Patakbuhin natin itong ating pang gobiyerno (nang) banayad at maaliwalas, upang sa ganoon, makita po ng buong Pilipinas, ng buong mundo, na tayong mga Maguindanaoan, mga Pilipinong Muslims, marunong din magpatakbo. RS: Gov, pag sinabi niyong “kuko ng agila," sino ba ‘tong mga agila? EM: Of course, Ampatuan ‘yan. RS: Dan you be more particular? Kasi sinasabi niyo, may mga Ampatuan na okay naman. So sinu-sino ho ito? Can you be more particular? EM: ‘Yung sa kuko ng agila? Itong si Andal Ampatuan, Sr., si Unsay Ampatuan, and the rest of the brothers. And of course, ‘yung ibang kamag-anak din na direct. Mga pinsang-buo. Pero ‘yung mga nasa position ngayon na mga board members, tulad ng kapatid ni Andal Ampatuan (na) si Shariff Ampatuan, (at) ‘yung pamangkin niya si Yassir Ampatuan-- hindi naman sila salungat doon sa pang gobiyerno. Gusto pa nga nila ma-preso na talaga itong kapatid (nila) dahil sobra-sobra na ang ginagawa. RS: May mga nadaanan ho kayo na ginawa ng mga Ampatuan, na talagang nasaksihan niyo mismo, at ito ‘yung mga naging mitsa para magsalita ho kayo. Can you give us a few instances ho, o ‘yung mga nakita niyo na talagang hindi ho masisikmura ng taong bayan? EM: ‘Yung pag-massacre nila doon kay Datu Itao. Sampu sila. Ang nakaligtas doon, dalawa. Kinuha ko si Harold, itong kapatid ni Datu Itao, at gagawin ko sanang state witness noon. August 8, 2008 o 8-8-8--iyon ang pinakahuling, talagang karumal-dumal din na ginawa. At minassacre nila ito. Inutos ng matanda, at pati nitong magkapatid na si Zaldy Ampatuan at si Unsay, na i-massacre dahil sumosobra na ang ginawa. Walang pahintulot kung mag-harvest ng kanilang palay, mga agri-products, so minassacre nila. Nakaligtas lang ‘yung dalawa. Pati ‘yung bata, doon namatay, twelve-years-old. RS: So base ho ‘yan sa mga naging salaysay noong mga naging biktima o kamag-anak ng mga biktima? O mismong nasaksihan o narinig niyo? EM: Nandoon ako sa Shariff Aguak noon. At noong ino-order nila ito, sinasabihan ko din si Unsay na wag namang ganoon. RS: Pero hindi ho talaga— EM: Hindi, kasi siyempre, baka isali pa ako. RS: Ano hong plano niyo ngayon sa mga nakaw na yaman ng mga Ampatuan? EM: ‘Yun nga, gusto ko ring magkaroon … Kung baga, ito aking hinihiling sa gobiyerno din, na magkaroon ng imbestigasyon doon sa kanilang yamang hindi naman sa kanila, at ibalik na ito sa taong bayan. At ‘yung plano ko talaga doon sa malalaking mansyon nila, lalong-lalo na doon sa Davao—na nagkakahalaga ng P380 million, na pwedeng takbuhan ng 10-wheeler truck ‘yung loob—sana, kung makuha man ng gobiyerno, patakbuhin ito. Para ang proceeds, hati na lang—pupunta sa Maguindanao para scholar, sa mga estudiyante. RS: Sa tingin niyo ho ba, naging ganito ang mga Ampatuan dahil spoiled ho sila ng gobiyernong Pilipinas? EM: Puwede ko ring sabihing na-spoiled dahil hindi man lang sinasawata ‘yung mga gawain nila noon na alam din naman ng nakakarami. RS: Nino? EM: Ah, hindi ko alam kung sinong nakaraang administrasyon. RS: Sino pa bang nakaraan? Si Pangulong Gloria Arroyo? EM: Wala naman sigurong (ibang) napalitan ni PNoy kundi ‘yung nakaraan. Hindi ko naman sinasabi (na) na-tolerate directly, pero dapat kung malalaman ng ating gobiyerno, sawatahin naman. RS: So, ito hong mga yaman, ‘yung kapangyarihan na naibigay sa kanila--may kinalaman na rin ho ito doon sa naganap na eleksyon noong 2004, na sinasabi nilang nagkaroon ng dayaan? EM: Alam mo, talamak ang dayaan diyan sa amin noong hindi pa automated, no? Puwedeng tapusin three days before ang eleksyon ang eleksyon doon sa amin, tatapusin three days before election, eh. Kung baga, walang eleksyon, kundi selection. Kung sinong choice ni Andal Ampatuan Sr. at ng anak, siyang magiging alkalde o bise gobernador o boar dmember o anu man diyan. RS: So ‘yung hinawakan na kapangyarihan ng mga Ampatuan, utang na loob ‘yun sa ginawa nila? EM: Utang na loob. RS: Para kay dating Pangulong Arroyo? EM: Parang ganoon. RS: Kumusta ho ang rerlasyon niyo kay Congresswoman Arroyo, dating Pangulong Gloria Arroyo? Tumakbo ho kayo sa ilalim ng Lakas-Kampi noong panahon ng eleksyon? EM: Wala kaming communication maliban lang noong ako’y pinatawag sa Malacañang, before the election noong August 11, na hindi ako patatakbuhin. ‘Yun ang hinihiling ni Ampatuan, na hindi ako patatakbuhin, at hindi ako umoo. RS: Pinatawag ho kayo ni dating Pangulong Arroyo? EM: Oo, noong August 11. RS: Noong araw hong iyon, parang indirectly, she was saying na, “Huwag ka nang tumakbo?" EM: Hindi naman siya nagsabi. Si Ampatuan mismo ang nagsasalita na hindi na ako tatakbo bilang isang gobernador. RS: Bakit ho siya ang naging mensahero para doon sa mensaheng yun? EM: Alam mo, si Andal Ampatuan kasi, pagdating sa ganiyan, walang hiya ‘yan, eh. Kasi walang pinag-aralan. Grade one lang, eh. RS: Sa tingin niyo ho ba, luhod ho— EM: Ang administrasyon? RS: Yes, ang administrasyon. Luhod ho ba ang administrasyon dito sa (mga) Ampatuan? EM: Alam mo kasi, noong 2004, eh, alam niyo naman kung anong nangyari kay FPJ. ‘Di ba? At alam din ng buong Pilipinas na malakas ang dayaan sa amin. Lahat nga nagsasabing (kami ang) cheating capital of the Philippines. Nakakahiya ‘yun. Ako’y pasalamat din dahil naging automated ‘yung ating eleksyon ngayon. RS: So noong nangyari ho ‘yung Maguindanao massacre, umasa pa ba kayong uusad siya ng mabilis, matapos hong mangyari ‘yun under the Arroyo administration? EM: Alam mo, frankly speaking, hindi ako umaasa. Umaasa ako (sa) kung sinong mananalo na presidente. Dahil noong mga panahon na ‘yun, itong dumaan na eleksyon, ay kung baga, nowhere to go ako, eh. Masasabi kong ganoon. Dahil may takot po kaming pamilya na pagka-umalis kami doon sa ganoon, eh, baka mamaya, kami ang iipitin, diba? Alam mo naman, minsan dito sa Pilipinas, dito kasi—pasensiya lang po kung masabi ko ‘to—minsan kung hindi ka kakampi, lalo kang dinidiin, inaapak-apakan, kahit na tama ‘yung ginagawa mo. RS: You never had a good relationship with the former president? EM: Maganda ‘yung relasyon namin noon, noong ako’y bukal pa ng aming probinsiya. Sinasamahan ko pa si former President Gloria Macapagal-Arroyo sa kaniyang pangangampaniya. At saka kumare ng nanay ko ‘yan. RS: Paano ho nasira? EM: Siguro doon sa kanilang mingling with the Ampatuans. Kung baga, na-develop ‘yung kanilang samahan. Araw-araw sila ang may contact. Kung baga, ‘yung gap sa komunikasyon ng aming pamilya ay hindi naman ano—kung baga, minsan lang nagtatawagan si Mommy at si Presidente. RS: So sa ilalim ho ng Ampatuan pa no, noong namumuno ho (sila) dito sa Maguindanao, ibig-sabihin ho, parang may sarili silang republika? Nirespeto na ‘yun ng nakaraang administrasyon? Na “Hands off kami. Bahala kayo sa gagawin niyo diyan." Ganoon po ba? EM: Oo, parang may sarili silang republika. Alam mo, Ma’am, hindi po magkakaroon ng gulo sa Maguindanao kung walang Ampatuan. Alam mo, ‘yung away noon ng MILF (Moro Islamic Liberation Front) at ng sobrang away sa military, ang nangunguna po dito, ang nagpapa-ignite dito ang mga Ampatuan, eh. Kasi ‘yung mga lupa na ninanakaw nila, gina-grab nila from the civilians. By force ‘yun, eh. So walang alternative ngayon ang civilians kundi pumanig na lang, pumasok sa MILF group. RS: Pero, Gov, matagal na nga ho kayo sa pulitika, noh? Nagkaroon na ng, of course, Arroyo, Erap. Nagkaroon ng Ramos, Aquino administration. Hindi niyo ho naramdaman ‘yung takot noong mga panahong ‘yun, until dumating ho itong Arroyo administration? Ganoon ho ba? Dahil ‘yun ang nagbigay ng ganitong klaseng kapangyarihan sa mga Ampatuan? EM: Hindi ko naramdaman. Ang akin lang, wala akong fear noon. Siyempre, radical student ako, eh. Nasa Davao ako noon. Nag-aaral, eh. Lagi akong nakikibaka noong panahon ni Marcos. RS: So naging bukas lang ho ‘yung isip niyo talaga na nai-spoil itong mga Ampatuan itong nakaraang administrasyon? EM: Itong nakaraang (administration). Kaya sabi ko, dapat naman hindi bine-baby ang bawat politician. Dapat tinitingnan ng maayos ito at tututukan bawat isa ng buong Pilipinas. RS: Ngayon ho bagong administrasyon, sa tingin niyo ho, naputol na ho ‘yung pangil nitong Ampatuan? EM: Naputol na din. Kasi yun na nga laging sinasabi ni PNoy na bigyan ng pansin itong Maguindanao Massacre dahil kahiya-hiya itong nangyari sa atin. Ito ‘yung pinaka-darkest moment ng Pilipinas, ang pinaka-madaming namatay na journalist katulad niyo. RS: Correct. Kumusta na ho ang relasyon niyo kay pangulong Noynoy? EM: Okay naman. RS: Hands on ho ba siya dito sa kasong ito? I mean, nakiki-update ho siya? EM: Minsan noong nagkita kami sa Malacañang. Pumunta ako sa Malacañang. Kakausapin ko sana siya tungkol dito sa ARMM Region elections. Sabi niya, “Huwag muna nating pag-usapan ‘yan. Maguindanao massacre ang pag-usapan natin." So, doon pa lang, napuna ko na rin na talagang binibigyan niya ng pansin. RS: So, from kawalan ng pag-asa noong Arroyo administration, ngayon ho? EM: Ako ay kampante kay PNoy at mabait siya. Totoong tao. Hindi sa binobola ko siya, dahil wala akong makukuha kung bobolahin ko siya. Hindi rin ako magiging presidente kung bobolahin ko siya. Hindi rin ako yayaman kung bobolahin ko siya. Totoong tao. RS: Gov, tanungin ko lang ho. If you don’t mind, ilan ho ang baril niyo? EM: Baril namin? Ako may baril ako na may PTC at may lisensiya. RS: Ilan ho? EM: Mayroon akong may lisensiya na apat yata o lima. Kasi nagsho-shooting ako. Lahat kaming magkakapatid, miyembro kami ng shooters’ association. RS: Illegal possession of firearms-- EM: Illegal possession of firearms? RS: Oo, may mga naisampang kaso noon. EM: Sa amin? RS: Oho. Mayroon ho ba? EM: Noong kami ay pina-atake ni Ampatuan, noong narinig na nila na tatakbo talaga ako’t sasalungat sa kanila noong 2009 June 19, inatake nila itong isang munisipyo kung saan ay aking kapatid ang alkalde. Doon sa Pandag municipality. ‘Yung kanilang mga tao, nakunan ng baril. At ‘yun ay isinampa laban sa amin. Actually, hindi ‘yun sa amin. Sa kanila ‘yung baril. At isa ‘yun sa mga ninakaw nila. At ‘yung sinunog nilang headquarters, ‘yung supply ng pulis na 308 firearms ba ‘yun? Kaya pinapalabas nila na illegal possession of firearms against sa amin, na hindi pinansin ng CIDG noon ang aming report, ang aming local na pulis, dahil gumawa sila ng kanilang sariling investigation. Kaya itong si Col. Atanacio ng CIDG, medyo iba ang patakbo niya noon, eh. Kaya nagtaka din ako, bakit siya na-assign ngayon ng legal division ng CIDG? Dapat diyan, wini-weigh ‘yung mga capability ng mga tao. RS: Private armies. Mayroon ho ba kayong private armies? EM: Private armies? Mayroon kaming CAFGU. ‘Yun na nga-- RS: Na legal siyempre? EM: Legal ‘yun. Kung baga, multiplier ‘yan ng military. Tumutulong ‘yan. Pero hindi namin ginagamit na (private army). Ginagamit po ng bayan para sa seguridad. RS: Laban sa mga rebelde din ho? EM: Rebelde, at saka sa mga lawless. RS: Nakakasiguro ho ba kayo na nasa panig niyo rin itong mga military (at) police na mga naka-assign sa Maguindanao? Eh, noong nangyari ‘yung massacre noong isang taon—may mga lumutang na pangalan ng mga pulis at mga military. Na binalewala lang ‘yung sumbong niyo po involved pa sa nangyaring massacre? EM: Sa ngayon kasi, ibinalik ‘yung mga pulis na kung saan eh… Dapat ‘yun na nga isinangguni ko rin kay Sec. Robredo, na dapat hindi pabalikin ‘yung mga sangkot diyan na mga pulis. Kasi marami pa po ang hindi pa nakasuhan diyan na mga pulis. RS: So, gaano ho kayo katiwala na ‘yung mga nasa paligid niyong tao, eh, kaisa niyo sa hangarin niyong mapaganda ang imahe ng Magundanao? EM: Ang akin naman, pursigido kong i-deliver ‘yung services para po sa tao. Mas madami po akong kakampi ngayon kaysa ‘yung hindi ko kakampi. RS: How do you convince tourists, Filipinos to go to Maguindanao, kung medyo ganito ho ang naging imahe? May massacre, tapos ngayon rape, ‘yung kaso ni Florence. Would you still encourage tourists to go there at this moment? EM: ‘Yun na ngang sinasabi ko, no? Sinisikap po namin mawala po kami doon sa bilang ng mga ‘yun eh. Ipakita po namin na ang Pilipino Muslims ay may kakayahan din. At sana po ito’y tugunan ng ating Panginoon, na sana po magkaroon ng peace ang Maguindanao. Amin pong isusulong ito. RS: Kumustahin ko lang po ang—I hope you don’t mind—your love life? EM: (laughs) RS: Sabi niyo naka-move on na kayo. Kasama ba doon ang love life? EM: Alam mo, busy ako ngayon sa aking pag-gobiyerno. RS: Pero bukas pa rin para umibig ng ibang tao? EM: Tao ako. RS: Kasi may nababalitaan ako, eh. EM: Tao naman. Ikaw, ganoon din. Tao ka rin, diba? So we are bound to love one another. RS: Can I ask--are you in love? Without naming names. EM: In love? RS: Are you in love with someone right now? Without naming names po, Gov. There’s someone? EM: Love ko ‘yung mga tao. RS: But there is someone special? EM: Ah, that I don’t know. RS: (laughing) Ang hirap namang pigain. EM: (laughing) RS: Ano lang ho, may isang espesyal? EM: Alam mo, ‘yung puso tumitibok lagi. Kahit na ikaw, ganoon din. RS: So may tinitibukan ngayon? EM: Ikaw din, ganoon din. RS: Oho. Ako, oo. Aamin ako. Kayo, Gov? EM: Hindi mo maalis-alis yun sa isang tao. RS: So mayroon? EM: Lagi ‘yun sa tao. RS: Para naman kayong si PNoy! Sorry, Gov. Gov, ngayong kayo ho ang nanalong gobernador, bagong gobernador ng Maguindanao, sa tingin niyo ho ba, ‘yung pamumuno niyo na ang solusyon sa karahasan sa Maguindanao? EM: Alam mo, doon sa ipinapatupad kong batas at proyekto, ang tingin ko, opo. RS: Gaano kayaman ho ba si Governor Mangudadatu? EM: Hindi ako mayaman. Napakayaman ko sa kaibigan. RS: Sa pag-ibig? (laughing) EM: (laughing) Ang puso ko talagang mayaman. RS: Pero transparent ho kayo sa yaman niyo? Statements of-- SALN (statement of assets and liabilities), ganyan? EM: Opo. Kahit na tignan, transparent ako. RS: Hindi papantay sa yaman ng mga Ampatuan? EM: Hindi. RS: Ang mga Ampatuan daw may mga artillery pa. EM: Oo nga. Madami silang (artillery). May 60 mm, may 51 … ang daming mga baril. RS: Nasan na ho ‘yun ngayon? EM: Nagtatago within Maguindanao. Kaya nga takot ako, eh. Hindi sa ano, dahil kalaban ko sila Baka pag hindi mahuli-huli itong mga taong ito na may mga kaso, dahil wala na po silang mga sources, ano? Ang posibleng mangyari diyan, may kidnap. RS: So marami pa ring sympathizers talaga? EM: Marami. Kidnap, carnap, (unintelligible). Magkakaroon ng ganoon pagka hindi ginawang i-apprehend ang mga taong ito. Bandits ang dating nito, eh. RS: Gov, may mga ilang spekulasyon na nagamit itong Maguindanao Massacre. Na kayo mismo ang gumamit dito sa event na ito to advance your political career? At talagang tiniming niyo ‘yung pagkakataon na nandoon ‘yung mga media para sila ang, kung baga, ang madamay at maging malaking gulo nga itong Maguindanao massacre? EM: Hindi naman siguro, ma’am, ano? Unang-una, ‘yung mga media po ang nag-voluntary pumunta doon. Sabi nila big event ‘yung mangyayari dahil walang sumalungat sa Ampatuans sa nakaraang ilang taon. Ngayon, sabi nila, may naglakas loob na lalaban sa kanila. So hindi ko po sila ginamit na human shields tulad noong sinabi ni Sonny Fernandez at ni Harry Roque. Mali po ‘yun. Asawa ko mismo nandoon. Pinakmamahal ko sa buhay ‘yung asawa ko. RS: Kasi parang nagkaroon din ho ng spekulasyon na kayo pa ang nag set up? EM: Mahirap din po. Hindi ko kaya ‘yun. Nandoon ‘yung kapatid kong dalawa, ‘yung bunso naming buntis. And ‘yung more than 20 na malapit po sa akin--ang mga aunties ko, pinsan ko, nandoon po. ‘Yung 25 na ‘yun, malalapit po sa akin. And including those medias who are involved in that massacre and my two lawyers were very close to me. Hindi po mapapantayan. RS: Ano hong klaseng pagganti ang gagawin ninyo laban sa mga Ampatuan? Sumagi ho ba sa isip niyo na gantihan sila? EM: Alam mo, Ma’am, being as human being, hindi po mawawala. Pagsisinungalingan po ang taong hindi makapag-isip ng masama. Pero may batas po tayo. And with my prayers, nawawala ‘yun, dahil sa aking pananampalataya. At aking pinapatupad ‘yun. Aking hinihiling sa Panginoon, hinihiling ko po sa gobiyerno natin (na) ipatupad nila ‘yung batas. RS: So hindi ho mata sa mata, ngipin sa ngipin? EM: Ay ayoko ng ganoon. Mahal ko ang buhay ng bawat isang tao. RS: Final words, Gov. What do you want to say po sa inyong mga kababayan sa Maguindanao? EM: Ang aking mensahe sa aking mga kababayan: kapit-bisig po nating ituloy at ipatakbo ang aming magandang hangarin upang magkaroon naman kami ng magandang pangalan, mawala po doon sa mga sinasabing masasama ang mga Filipino Muslim sa bandang Southern Mindanao. At ipakita po namin ang pagkakaisa upang itaguyod ang maganda pang gobiyerno namin. - GMANews.TV MAGUINDANAO MASSACRE ANNIVERSARY SPECIAL:

200 years not, but 20-year Ampatuan trial possible It might not take 200 years, but at the rate of two witnesses per month, it could take up to 20 years to hear the testimonies of all 169 witnesses from the prosecution and 320 witnesses from the defense panel indicated in the pre-trial order from the Quezon City Regional Trial Court.
A year after massacre, loved ones a sorority of sorrow Women left behind by victims of the Ampatuan Massacre travel regularly to Manila yearning for justice, while sharing the struggle to go on with their lives. The new government gives them hope, consoling these survivors with the thought that gone is the old administration allied with the Ampatuans. Article with podcasts of the interviews.
Local journalists struggle to stay safe He escaped death last year, but to this day, death continues to haunt local journalist Aquiles Zonio.
'Never forget': Maguindanao massacre reminder in video clips A blindfolded, shirtless man being strangled and beaten to death, a dismembered body being unearthed from a shallow grave, a teary-eyed woman who lost her husband to a mass killing are few of the video images circulated in the media for the Maguindanao massacre anniversary.
Toto Mangudadatu: Trying to rule land of the Ampatuans Maguindanao Governor Esmael "Toto" Mangudadatu knows better than almost anyone that the era of the Ampatuan clan is hardly over in Maguindanao. Last October 16, Mangudadatu sat down for a rare one-on-one interview with GMA News and Public Affairs reporter Rhea Santos. The full video and transcript are available here.
TIMELINE: The year since the November 23 Massacre To help readers trace the history of this case, GMANews.TV presents this chronological grid of many of our reports and news videos about the heinous Maguindanao massacre and its aftermath.
The Ampatuan Massacre: A map and timeline GMANews.TV offers the following interactive map and timeline of the Ampatuan Massacre perpetrated on November 23, 2009 against more than 50 unarmed civilians - 57 at last count - many of them women, 30 of them journalists.