Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ellen Adarna poses sexy for magazine cover anew


Sumabak muli sa sexy pictorial ang baguhang Kapuso artist at "Internet sensation" na si Ellen Adarna. Ibig kayang sabihin nito ay magtutuloy-tuloy na siya sa pagpapa-sexy sa kanyang showbiz career? Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, ipinakita ang ilang kuha ni Ellen sa pagpose niya ng sexy sa FHM magazine. Ito na ang pangalawang pagsabak ng dalaga sa sexy pictorial mula nang maging Kapuso star. Last October, nag-pose din si Ellen sa isa pang magazine bagaman ikinunsidera niya lang itong “daring" kumpara sa kanyang first pictorial na topless.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Pag-amin noon ng binansagan “internet sensation," medyo pasaway raw siya noon at hindi alam ng kanyang parents ang ginawa niyang pictorial. Ngunit sa Chika Minute nitong Martes, nilinaw ni Ellen na hindi pa rin nangangahulugan na magtutuloy-tuloy na siya sa pagpapa-sexy kahit muli siyang naging cover ng isang men's magazine. Kasabay nito, nagkwento rin si Ellen tungkol sa kanyang secret admirer na nagpapadala raw ng bulaklak at chocolates sa taping ng Bubble Gang linggo-linggo. Ayon sa dalaga, nagpapasalamat daw siya sa kanyang secret admirer sa pamamagitan ng kanyang Tweeter account. Sinasagot naman daw ito ng kanyang secret admirer sa pamamagitan ng pagpapadala ng card na may kasamang bulaklak at chocolates. - FRJimenez, GMANews.TV

Tags: ellenadarna