Filtered By: Showbiz
Showbiz

Baron pleads not guilty, Yasmien Kurdi emotional


Nakaharap na sa korte ni Yasmien Kurdi sa unang pagkakataon ang aktor na si Baron Geisler na inireklamo niya ng pambabastos noong 2009. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, inihayag din ng young actress ang pagkabigla sa napaulat na reklamo ng batikang aktres na si Cherry Pie Picache, na hinipuan din umano ni Baron. “Nagulat ako siyempre, sabi ko ano ba ‘yan nangyari na naman uli," pahayag ni Yasmien. Sa pagdinig ng Bocaue Municipal Trial Court, naging emosyonal at napaiyak si Yasmien nang maghain si Baron ng “not guilty" plea sa alegasyon sa kanya ng aktres. Una rito, inireklamo ni Yasmien na hinalikan at hinawakan siya sa maselang bahagi ng katawan ni Baron sa taping sa Bulacan habang ginagawa nila ang isang television series noong 2009. Ito ang unang pagdalo ni Baron sa pagdinig sa kasong isinampa sa kanya ni Yasmien matapos itong hindi sumipot sa naunang tatlong pagdinig. Nitong Martes ay naghain ang abogado ng aktor ng mosyon sa Bulacan Regional Trial Court para itigil na ang pagdinig ng MTC dahil sa kawalan umano ng merito ng reklamo.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kahit inabot ng dalawang taon, nagpahayag ng kasiyahan si Yasmien na natuloy na rin ang proseso sa pagdinig sa isinampa niyang reklamo sa aktor. Handang harapin ang kaso Samantala, sinabi ni Baron na ipinapaubaya na lamang niya sa kanyang abogado ang pagtugon sa mga reklamong isinasampa sa kanya. Tiniyak din ng aktor na nakahanda siyang harapin ang mga reklamo. “Wala akong masabi, nagugulat lang ako sa lahat ng pangyayari… akin na lang po gusto kong magtrabaho," ayon kay Baron. Kamakailan ay napaulat na nagreklamo naman si Cherry Pie ng pambabastos laban kay Baron nang hawakan ng aktor ang dibdib ng aktres sa taping ng isang soap para sa telebisyon. Bukod kay Yasmien, nagsampa din ng kasong acts of lasciviousness sa korte laban kay Baron si Patricia Martinez, anak nina William Martinez at Yayo Aguila. May ulat din na maging ang Eat Bulaga host na si Julia Clarete ay nakaranas din ng paghihipo umano sa aktor. Nitong Miyerkules ay iminungkahi ni Sen. Bong Revilla na kailangan ni Baron na magpa-rehab kung totoo ang ulat na gumon ito sa alak kaya nagagawa ang pambabastos sa mga babae. - FRJimenez, GMANews.TV