Filtered By: Showbiz
Showbiz

Charice proud of her first TV special 'Charice: Home for Valentine'


Excited at very proud ang international singing sensation na si Charice sa kanyang kauna-unahang television special sa Pilipinas na ipapalabas sa Kapuso Network sa Linggo. Ayon sa ulat ni entertainment reporter Nelson Canlas, parang international concert ang dating ng musical special ni Charice. Iba't iba rin umano ang magiging kasuotan niya dito. Kahit ilang araw nga lang daw ang ginawang preparasyon ni Charice ay ipinakita ng Pinay international singer ang kanyang husay sa pag-awit na hinangaan sa buong mundo. Sa 'Charice: Home for Valentine,' mga awiting malapit sa kanyang puso ang kakantahin ni Charice, kabilang ang mga love songs, inspirational songs at mga kanta na hinangaan sa kanya. Nauna nang iniulat ang pag-iyak ng ina ni Charice na si Mommy Raquel nang kantahin ng anak ang 'Maghintay Ka Lamang.' Ito raw kasi ang naging inspirasyon nila noong nagsisimula pa lamang si Charice.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Muli namang nagpasalamat si Charice sa pamunuan ng GMA Network dahil nagkaroon ng katuparan ang kanyang kauna-unahang tv special sa Pilipinas. Maaaring manibago raw kay Charice ang mga Kapuso kapag nakita siya sa musical special dahil sa kanyang mga outfit. Hahangaan din daw ang lighting at stage design ng show na maihahalintulad sa international concert. “Ang ganda ng concept, so talagang aabangan po talaga," ayon kay Charice sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. Mapapanood ang 'Charice" Home for Valentine' sa Linggo, 8:30 pm sa GMA 7. – Fidel R Jimenez, GMA News

LOADING CONTENT