Filtered By: Showbiz
Showbiz

New song ‘Narito Ako, Pilipino’ uplifts Pinoy patriotism


Inilunsad na ang awiting "Narito Ako, Pilipino" na inaasahang magpapaalab sa damdamin ng pagiging makabayan ng mga Pilipino; hindi lang sa salita, kundi maging sa gawa. Ang Narito Ako Pilipino ay proyekto ng Philippine Association of National Advertisers (PANA), katuwang ang Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit sa pangunguna ng presidente na si Ogie Alcasid. Mula sa nilikhang liriko ni Russell Molina at areglo ni Nino Alejandro, ang Narito Ako, Pilipino ay nagkabuhay mula sa pinagsama-samang tinig ng mga mang-aawit sa bansa. Bukod kay Ogie, na siya ring producer ng kanta, kasama rin sa mga umawit ang kanyang maybahay na si Regine Velasquez-Alcasid, Noel Cabangon, Richard Poon, Paolo Valenciano, Jamie Rivera, Gretchen Espina, Karylle, Laarnie, Bugoy, Nyoy Volante, Raph Salazar, Nikki Gil, Rita Iringan, Francesca Farr, Yael Yuzon at Elmo Magalona. Ang Narito Ako, Pilipino ay inilunsad nitong Biyernes, na huling araw ng halos isang linggong selebrasyon ng ika-25 taong anibersaryo ng EDSA 1 People Power revolution. Sa isang panayam sa GMA news Saksi, sinabi ni Ogie na naniniwala siya sa kapangyarihan ng musika para pag-isahin ang mga Pilipino. Ginawa niyang halimbawa ang mga awiting “Bayan Ko," Magkaisa," at “Handog ng Pilipino sa Mundo," na siyang nagpaalab sa damdamin ng mga Pilipino noong EDSA 1 revolt noong 1986, na nagpatalsik sa puwesto kay dating Pangulong Ferdinand Marcos. Sa ginawang grand party na tinawag na Tatak Edsa 25, napakinggan din ang nilikhang awitin ni Ogie para sa naturang okasyon na pinamagatan niyang, “Ang Galing ng Pinoy." russmo87 | Narito Ako, Pilipino (produced by PANA) Narito Ako, Pilipino Narito ang aking kamay Bakas ang hirap ng buhay Dala pa rin ang tagumpay At ang pag-Asa na tunay Narito ang balikat ko Pasan ang bigatng mundo Handa pa ring sumaklolo Sa oras na kailangan mo. CHORUS Narito ako, Pilipino Wag mong sabihin, isigaw mo! Narito ako, PilipinoWag mong sabihin, isapuso Narito ako, Pilipino Wag mong sabihin, isigaw mo! Narito ako, PilipinoWag mong sabihin,isapuso Narito and labi ko Ngiti ko'y di nagbabago Sumasalaming totoo Sa laman ng aking puso Narito pa rin ako Ang sigla ko ay buong-buo Ilang pagsubok, ilang bagyo Nandito pa rin at nakatayo REPEAT CHORUS 2x (Insert Francis M Mga kababayan ko) Wag takasan ang pag kukulang kasalanan ay panagutan Mag malinis ay iwasan Nakakinis marumi rin naman Ang mga kaaway, ipagbati Gumitna ka at wag kumampi Lahat ay magkakapatid Ano mang mali ay ituwid Magdasal sa Diyos maykapal Maging banal at wag hangal Itong tula ay alay koSa bayan ko at sa bung mundo REPEAT CHORUS - FRJimenez, GMA News