Filtered By: Topstories
News

Pag-iingat, tamang paggamit ng Facebook, iba pang social networking sites, dapat daw ituro


Nais ng ilang kongresista na isama ng Department of Education (DepEd) ang pagtuturo sa mga estudyante sa pampublikong paaralan sa elementarya at high school ang pag-iingat at tamang paggamit ng mga social networking site kagaya ng Facebook. Ayon kina Marikina City Rep. Miro Quimbo at Aurora Rep Juan Edgardo “Sonny" Angara, kailangang magabayan ang mga kabataan sa paggamit ng mga social networking sites dahil ginagamit na rin ito ng mga kriminal para makapambiktima. “The teachers have to do it since many parents of school children do not have active participation in their children’s interests in social network activities. Worse, many parents, particularly from the poor ones, have zero exposure to the internet. How do you expect them to guide their children on the appropriate use of these social network sites when they don’t even know what the internet is all about?" paliwanag ni Quimbo. Idinagdag ng kongresista na habang bata pa ay mabuting maituro na rin sa mga mag-aaral kung papaano magiging responsible sa paggamit ng mga social networking site, partikular ang sikat na Facebook. “The teachers have to do it since many parents of school children do not have active participation in their children’s interests in social network activities. Worse, many parents, particularly from the poor ones, have zero exposure to the internet. How do you expect them to guide their children on the appropriate use of these social network sites when they don’t even know what the internet is all about?" pahayag niya.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sinabi ni Quimbo na kailangang kumilos ang pamahalaan para matiyak ang kaligtasan ng mga kabataan sa paggamit ng modernong teknolohiya. Batay sa isinagawang survey ng AGB Nielsen, ang Pilipinas ang pang-lima sa mga bansa na may pinakamaraming gumagamit ng Facebook. “Today, FB and twitters have become avenues for gruesome crimes. Incidences of murders and robbery can develop from a single FB message or a twit and we need to inject these criminal possibilities to the consciousness of the more than 20 million face bookers and twitters in the Philippines, especially children with very active online existence," ayon kay Quimbo. Para naman kay Angara, magandang lugar ang mga paaralan upang maituro sa mga kabataan ang kahalagahan sa paggamit ng modernong teknolohiya at kung ano ang mga bagay na hindi dapat gawin sa mga social networking site. Sinabi ng kongresista na hindi biro ang mga nagaganap na krimen na nagsimula sa pagkakakilala lamang sa mga social networking site, tulad ng pagpatay, panghahalay at identify thief. “Bukod sa magulang, sa mga guro nakikinig ang mga bata. Magandang magbigay sila ng guide and tips sa mga student kung ano ang mga information na hindi nila dapat ilagay sa profile nila, ano ang mga photos na hindi dapat i-post, ano ang mga responsibilities nila at dapat huwag basta-basta magtitiwala sa mga makikilala nila dito," paliwanag ni Angara na naghain ng panukalang batas tungkol sa cyber crimes. Kamakailan ay napabalita ang pananaksak sa actor-director na si Ricky Rivero ng lalaki na nakilala niya sa Facebook. Samantala, isang babae naman ang sinasabing ginahasa ng lalaki na nakilala nito sa Tagged. Naging kontrobersiyal naman ang isang binatilyo nang ilagay niya sa kanyang Facebook account ang mga larawan ng isang tuta na isinampay gamit ang mga sipit. -- FRJ, GMA News

LOADING CONTENT