Filtered By: Topstories
News

‘Twitter scandal’ ng speechwriter ni PNoy ‘di na dapat palakihin – Honasan


MANILA – Inihayag ng isang senador na hindi na dapat palakihin pa ang kontrobersiya sa Twitter account ng isang opisyal ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III na kasama sa kanyang Official Visit sa Vietnam nitong nakaraang linggo. Ayon kay Senador Gregorio Honasan, chairman ng Senate committee on mass media, karamihan sa mga batikos kay Assistant Secretary Carmen “Mai" Mislang, ay nanggaling din naman sa mga Filipino at hindi sa mga Vietnamese. “We’re back to our old mode of self-flagellation. Let’s wait for the coming weeks kung may reaction from a big group of Vietnamese or from Vietnamese officials," mungkahi ni Honasan. Naging kontrobersiyal ang naturang account ni Mislang dahil sa kanyang mga tweet habang nasa Vietnam na, “The wine sucks," “Sorry po walang pogi rito sa Vietnam," at “Crossing the speedy motorcycle laden streets of Hanoi is the easiest way to die." Humingi na ng paumanhin at nagpaliwanag si Mislang sa kanyang mga nabanggit sa tweet, at binura na rin ang kanyang Twitter account. Sa kabila nito, isang hate fan page naman ang ginawa sa Facebook tungkol kay Mislang. (Basahin: Hate page vs Palace aide set up on Facebook) Bagaman dapat umano magsilbing aral kay Mislang ang naturang karanasan, pinuna ni Honasan na ang ginawang tila paglait ng opisyal sa bansang binisita nito kasama ang Pangulo ay pagpapakita ng kawalan ng ethical standard. Kasabay nito, nagpahayag din si Honasan ng pagtutol sa mga mungkahi na ipinagbawal sa mga tauhan sa Palasyo ang paggamit ng mga social networking sites tulad ng Facebook at Twitter. “Faced with the issue, we can’t control the comments posted on social networking sites. Our thrust is self-regulation --the media, including speechwriters, should be covered more by some ethical standards," ayon sa senador. Hindi rin naniniwala ang mambabatas na makaaapekto sa relasyon ng Pilipinas at Vietnam ang kontrobersiyal na mga pahayag ni Mislang sa kanyang Twitter account. “ We should give them credit for their political maturity. It’s an impression of a young lady. Hindi na dapat palakihin ito," payo niya. - GMANews.TV