Filtered By: Showbiz
Showbiz

Charice TV special on GMA7 tops Sunday primetime shows


Naging mainit ang pagtanggap ng mga manood sa kauna-unahang television special sa Pilipinas ni Charice Pempengco na Charice: Home for Valentine, na ipinalabas sa GMA 7 noong Linggo. Batay sa inilabas na datos ng ratings supplier na AGB Nielsen TV Audience Measurement para sa mga palabas sa telebisyon noong Pebrero 13 (Linggo) sa Mega Manila, kumabig ang Charice: Home for Valentine ng pinakamataas na 14 percent audience shares. Ang nakuhang rating ng first musical special ni Charice sa Pilipinas ay lubhang malayo sa nakuhang marka ng mga kasabay nitong programa sa ibang network. Ang Charice: Home for Valentine ang nakakuha ng pinakamataas na ratings sa mga programang pang-gabi noong Peb 13. Sumunod na dito ang dalawang pang programa ng GMA 7 na Kap's Amazing Stories hosted by Sen Ramon “Bong" Revilla Jr. (10.5%) at Pepito Manaloto ni Michael V at Manilyn Reynes (9.4%). Sa isang bahagi ng musical special, hindi napigilan ni Charice at maging ng kanyang ina na si Mommy Raquel na mapaiyak muli ng kantahin ng Pinay sensational singer ang “Maghintay Ka Lamang." Ipinagtapat ni Mommy Roquel na ang naturang awitin ang naging inspirasyon nilang mag-ina na patuloy na abutin ni Charice ang kanyang pangarap noong nagsisimula pa lamang at matalo sa isang singing competition. Sa naturang musical special, kinanta ni Charice ang mga awitin na malapit sa kanyang puso tulad ng mga love song at at mga kanta na hinangaan sa kanya. Una rito, pinasalamatan si Charice sa pamunuan ng GMA Network dahil nagkaroon ng katuparan ang kanyang kauna-unahang tv special sa Pilipinas na kanyang ipinagmamalaki. (Read: Charice proud of her first TV special 'Charice: Home for Valentine'). - Fidel R Jimenez, GMA News