Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sexiest Pinay Sam Pinto, nilinaw na wala siyang pinapatamaan


Naging kontrobersiyal ang naging pahayag kamakailan ng Kapuso star na si Sam Pinto na she’s “all natural." Pero paglilinaw ni Sam, hindi niya pinapatamaan ang mga retokada. “Past few years ilang number 1 na… ang dami nang nagpagawa, so I guest this is something new for everyone, something fresh, so why not di ba?" Ito ang pahayag ni Sam nang itanghal siya kamakailan bilang 2011 Sexiest Woman sa Pilipinas ng FHM magazine. Sa ilang social networking sites, umani umano ng kritisismo ang naturang pahayag ni Sam.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Pero sa ulat ng showbiz reporter na si Cata Tibayan sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, sinabi ni Sam na wala siyang masamang intensiyon sa naturang pahayag. Ayon kay Sam, walang problema sa pagpaparetoke kung magiging paraan ito para lalong gumanda ang isang tao at maging maligaya. Hindi rin daw alam ni Sam kung papaano mapapasalamatan ang 6.9 milyong tao na bumoto sa kanya para maitanghal siyang sexiest woman ng nabanggit na magazine. Bukod kay Sam, walo pang Kapuso stars ang pasok din sa Top 10 sexiest list ng FHM. Kabilang dito sina Jackie Rice, Jennylyn Mercado, Solenn Heussaff at Marian Rivera – na ayon kay Sam ay iniidolo niya. “I can’t really point out anything wrong with her (Marian) face di ba? Sobrang ganda niya and of course she’s on top of her career now," ayon kay Sam. Minsan na rin nasabi ni Sam na gusto niyang magampanan ang role na Darna, na dati ring pinagbidahan ni Marian. Sa July 14 gaganapin ang paghirang sa sexiest women ng FHM sa World Trade Center, at tiyak na inaabangan na ang pagrampa ni Sam at iba pang Kapuso sexy stars. -- FRJimenez, GMA News