Filtered By: Topstories
News

ZTE hearing (Part 1): I cannot tell a lie - Lozada


ZTE hearing: Part 1 of Rodolfo Lozada Jr's testimony Kaya po ako narito kasi marami nang nagsisinungaling tungkol sa kung may kinalaman. Gusto ko na rin pong matigil iyon kaya ako pumunta dito. Ayoko pong maging dahilan na magkasala ang iba sa Diyos at sa bayan dahil sa akin. Kaya ako nandito para maliwanagan ang mga bagay na maraming tao ang nagtatanong. Mabigyan ng liwanag 'yung mga bagay na maraming nagtatanong na nakakaapekto sa Pilipinas sa kinabukasan ng mga anak natin. Ang sasabihin ko po rito ay walang malisya kahit kanino. Wala naman ako kalaban. Sasabihin ko na kung bakit ako umalis. Nun ho kasing lumabas ang subpoena ko... Matagal na ho akong inimbita ng Senado, nung September pa ho. Hindi ako pumupunta dahil natatakot ako at nagpaalam ako kila Sec. Neri na inimbita na ako. Binanggit daw po ako ni Sen. Pimentel. Tinanong kung kilala ako. So, magmula ng araw na iyon takot na ako na baka mapunta ako dito. I don't want to go the Senate Sinabi ko po kay Sec. Neri iyon. Sumulat ako sa DENR kay Sec. Atienza at sabi ko kila Sec. Neri sana 'wag ako makarating sa Senado. Matagal na iyon. Kala ko patay na 'yung NBN-ZTE deal na iyon para tuluy-tuloy na ko sa tuba-tuba. Masaya ako sa ginagawa kong trabaho. Nung lumabas na naman 'yung subpoena, tinanong ko si Sec. Neri kung ano ang gagawin ko. Sabi niya bahala na raw ang Palasyo sa akin. Pumunta ko kay Sec. Atienza. Si Sec. Atienza, hindi naman alam kung ano ang kinalaman ko rito eh. Nung pumunta po ako sa office ni Sec. Atienza two days before iyong hearing dito. Tinanong niya ako, pinasok niya ako sa kwarto sa DENR. Sabi niya Jun ano ba kinalaman mo rito. Sabi ko, Sec ano ba gusto mong kwento, iyong salient points lang o from the top. Sabi niya from the top, ikwento mo sa akin lahat. Ikinuwento ko sa kanya lahat. At nang nalaman niya, sabi niya, pag kinuwento mo sa publiko ito, magagalit sila. Ibibigay mo 'tong gobyernong ito sa oposisyon. Sabi ko, Sir, ayoko ding mapunta doon. Hindi ko naman ho gulo 'yan. Simpleng tao lang po ako. At tsaka marami na po akong death threats. Sabi niya oh sige, tingnan natin ang magagawa natin para hindi ka makarating doon. Ano ba ang gusto ko? Sabi ko ito lang ang gusto kong mangyari. Huwag niyo na akong paratingin sa Senado. Tigilan na iyong death threats sa akin. At pangatlo, kung ako makakarating sa Senado, hindi ko ho... kilala ang sarili ko, baka hindi ako makapag-sinungaling. (end of part1) - GMANews.TV ZTE hearing (Part 1): I cannot tell a lie - Lozada ZTE hearing (Part 2): Palace exec told Lozada to go abroad ZTE hearing (Part 3): I was reminded of the Dacer case - Lozada ZTE hearing (Part 4): Calm your wife down - Neri to Lozada ZTE hearing (Part 5): Mike Defensor told me to deny abduction - Lozada ZTE hearing (Part 6): Lozada tried to reconcile proposal of Joey de Venecia, Abalos ZTE hearing (Part 7): Abalos called FG - Lozada ZTE hearing (Part 8): Abalos threatens to kill Lozada
LOADING CONTENT