Filtered By: Topstories
News

ZTE hearing (Part 4): Calm your wife down - Neri to Lozada


ZTE hearing: Part 4 of Rodolfo Lozada Jr's testimony Napakainit na ng media Tapos nung nasa may Los Baños na kami, may natanggap silang tawag. Sabi nung mga nasa harapan ko, "Ibalik na raw, ibalik na raw. Napakainit na raw ng media.' Nagpapasalamat po ako sa mga taga-mediang naghanap sa akin. Nung pabalik na kami, tumigil kami sa isang gasoline station, gumawa ka sir ng sulat na nagre-request ka ng security detail sa amin. Sabi ko, may nakita akong Starbucks, 'Doon sa Starbucks para may lamesa. Makatanggal-tanggal din ng konting kaba.' Sabi niya, 'Hindi, kami ho ang lalabas.' So lumabas 'yung isang kasama, kumuha ng papel. Naiwan ako doon sa isang mas bata. Sabi ko, 'Alam mo ikaw bata ka pa. Huwag ka kakong pagagamit sa masama.' So bumalik po sila. Sulat-kamay na naman. Sabi nila, 'Sir gumawa ka na ng sulat na nagre-request ka na ng security sa amin.' So ginawa ko rin po iyon. And then ibinalik na ako sa Maynila. 'Sir, itu-turn over na raw ako sa pulis.' 'Calm your wife down' So dinala po nila ako sa Outback (restaurant) sa Libis. Pagdating po namin doon, tinurnover na po ako. Nakilala ko na ngayon si... Ang pakilala niya sa akin si George... pero siya pala si Paul Mascariñas at nanduon si Atty. Bautista. They were supposed to have dinner. So nung pabalik na 'ko, kahit pala nung papunta pa 'ko. Tinawagan ako ni Sec. Atienza. Sabi niya, 'Jun huwag kang mag-alala. Relax ka lang. Mga tao natin 'yan. Relax ka lang.' Tapos tumawag din po si Sec. Neri. Sabi niya, 'Jun, patahimikin mo. Calm, calm your wife down. Calm your wife down. They're panicking in the media.' Sabi niya, 'Tawagan mo.' Sabi ko, 'Sir, she cannot calm down. I have to go. She has to see me. Hindi titigil iyon.' So pasensya na po kayo. Ganun na ka-praning (ang) pamilya ko dahil sa dami ng death threat na tinatanggap namin. Napatayan na ko ng kapatid ko nung 2001. Napatay 'yung kapatid ko, wala ring nangyari. So sabi ko kay Sec. Neri, 'Rom, gusto ko nang umuwi.' So dinala po ako roon sa Outback sa Libis. Nandun na si Atty. Bautista, saka 'yun nga 'yung lawyer, and they were about to eat. Pagkadating ko, nakikain ako. Iyong unang platong nakita ko kinain ko na. Hindi naman pala sa akin iyon. Sa sobrang gutom na dinaanan ko. Si Atty. Bautista was asking me kung ano... obviously he knows me already.. certain questions because he will prepare my affidavit. Off to the sanctuary So mukhang they decided to bring me na to the Senate dahil daw sa sobrang init na. But they want me to sign my affidavit first before I go to the Senate. Then sabi niya, 'Saan po kayo puwedeng..' Pagkakain, ininterview na po ako ni Atty. Bautista. Sabi ko, 'Puwede na po ba akong umuwi?' Sabi nila, 'Hindi, sir hindi ka puwedeng umuwi sa bahay baka maraming media doon.' So sabi ko pwede bang... 'Sir, sa Rembrandt na lang namin kayo dadalhin.' Takot pa rin ako nun. So pwede bang sa La Salle Greenhills na lang. Kasi 'yung mga anak ko, tinago, kung baga nasa sanctuary na ng La Salle Greenhills. Tinutulungan na ho ng mga Brothers dun. Isa rin ho sila sa malaking pasasalamatan ko. So buti naman po iyong anak nitong si Col. Mascariñas, gumraduate sa La Salle at scholar pa pala ng La Salle Brothers. So I struck a very sympathetic chord with him. 'Ah, ganun ba? Sige, doon na kita dadalhin.' You cannot imagine ganoon kadaming dasal na pasasalamat ang inabot ko po nang dinala ako sa La Salle Greenhills. So iyon po 'yun. Nandun 'yung asawa ko. Nakita na. At 'yung mga kapatid ko, after a while, nung nalaman na andoon ako, takbuhan doon makita lang na buhay ako. Pero po 'yung mga bantay ko nandun pa rin. 'Lahat ng isubo sa akin, I had to sign' So kinabukasan ho, kinuha uli ako. Dinala ako sa office ni Atty Bautista where he has already prepared the affidavit for me. And I had to fill out certain blanks there. Address ng opisina namin. Anong klaseng engineer ba ako. After that, nai-type na nila. Pinakain na po ako ni Atty Bautista and his wife, who is a very gracious host. After nun, sabi niya pirmahan ko na ang affidavit ko. Sabi ko, 'Atty Bautista, I have some reservations about this affidavit.' Sabi niya, 'Okay lang 'yan. Just sign it. Para na rin sa comfort ng Malacañang 'yan.' So I signed it. And they brought me back to La Salle Greenhills para makapagpahinga na rin ako, to prepare for the Senate hearing which was supposed to be yesterday. At nung gabi na iyon, bumalik naman si Col. Mascariñas with a typewritten letter na kailangan ko ring pirmahan. Sulat na naka-address 'ata sa PNP that I was requesting for security for protection. So lahat po ng isubo nila sa akin, I had to sign. Siguro naintindihan niyo naman. Nandun sila sa akin. So I had to sign it. (end of part 4) - GMANews.TV ZTE hearing (Part 1): I cannot tell a lie - Lozada ZTE hearing (Part 2): Palace exec told Lozada to go abroad ZTE hearing (Part 3): I was reminded of the Dacer case - Lozada ZTE hearing (Part 4): Calm your wife down - Neri to Lozada ZTE hearing (Part 5): Mike Defensor told me to deny abduction - Lozada ZTE hearing (Part 6): Lozada tried to reconcile proposal of Joey de Venecia, Abalos ZTE hearing (Part 7): Abalos called FG - Lozada ZTE hearing (Part 8): Abalos threatens to kill Lozada