Filtered By: Topstories
News

ZTE hearing (Part 3): I was reminded of the Dacer case - Lozada


ZTE hearing: Part 3 of Rodolfo Lozada Jr's testimony 'Write Sen. Juan Ponce Enrile' Nung nasa Hong Kong po ako, napakalamig dun. There was one, hindi ko na po maalala kung anong araw, tinawagan ako ni Sec. Neri. Gumawa raw ako ng sulat para kay Sen. Enrile para ma-withdraw na 'yung motion na arestuhin ako, dahil pinapaaresto na raw ako. So pinagawa ako ng sulat. Sabi ko hindi ko naman kilala si Sen. Enrile. Baka magtataka iyon dahil hindi niya din ako kilala. Magtataka iyon bakit ako sumusulat sa kanya, parang best friend na susulatan mo na lang ng basta-basta. Sabi niya, hindi, sumulat ka na lang kami na bahala. Hindi ko nga alam kung ano ang isusulat. They texted me what to write. Hindi ko na lang natago 'yung text. Mayroon doon na kasama na rin si FG na parang walang kinalaman si FG dun sa mga nalalaman ko. Hindi po sinali iyon kaya pasensya na kayo Sen. Enrile, mali-mali lang iyong grammar. Atienza: 'Okay ka na sa Immigration' Sabi ko ho sa kanila, gusto ko nang umuwi kasi 'yung asawa ko alalang-ala na. Tsaka hindi ako makatulog sa Hong Kong. Dalawang oras lang po ang tulog ko nun. So last week, tinawagan ako ni Sec. Atienza. Sabi niya, 'kelan ka ba dapat umuwi,' February 7? So umuwi ka na ng February 5. Don't take (a flight) 'yung maraming tao. 'Yung alanganing oras ka umuwi. Ako naman po masaya dahil gusto ko naman pong umuwi na. Ang instruction, sabi ko, Sec paano po iyong arrest warrant sa akin? Sabi niya, nakausap na namin si (Immigration commissioner) Libanan. Okay ka na sa Immigration basta dumere-deretso ka lang. Hindi ka iho-hold ng Immigration. Tapos pasalubong ka na lang. Okay ka na. Iyon na po ang huling usapan namin. Kampante po ako roon na tapos na ito. 'Ito na, ito na ang subject.' Pagbaba po sa eroplano, may mga kumuha sa aking mga lalaki, hindi ko naman mga kilala. Tapos pag-apak na pag-apak ko, they grabbed me by my arms and said, 'Ito na, ito na ang subject.' Kinuha ako, nilabas ako sa tube, sabi ko, 'Teka, teka may mga sasalubong sa akin dito at sabi sa akin ni Secretary I have to go to Immigration.' 'Hindi, hindi ipinapakuha ka sa amin.' Dinala po ako, ilalabas sana ako sa tarmac deretso doon sa... basta napakabilis ng mga pangyayari, narinig ko lang sa radyo nila, 'Wag kayong dadaan diyan. Andiyan 'yung mga taga-Senado. So nilihis po nila ako. Inakyat ako sa departure tapos sinakay na uli ako sa elevator. Binaba na uli ako pababa sa tarmac. Sinakay ako sa sasakyan. Nagatatanong ako saan ako dadalhin, saan ako dadalhin. 'Basta sir, relax lang, relax lang. Wala kaming gagawin sa iyo.' Pero sabi ko saan tayo pupunta. Iikot daw nila ako. Lumabas po kami, kilala sila ng mga security airport. Very obvious nandoon 'yung sasakyan namin. Tapos inilabas na ako, inikut-ikot kami sa airport. Tapos dinaan sa Villamor, sa Fort Bonifacio... Tapos all the while, may mga nagte-text ho ang radyo. Naririnig nila lahat ng radyo doon sa Senado, lahat. They're pretty well equipped. Naaawa nga ako sa mga taga-Senado. Kwentuhan sila nang kuwentuhan, naririnig naman sila ng mga kumuha sa akin. 'I thought of Dacer' 'Di ko alam kung ilang sasakyan 'yung magkakasama kaming lahat basta marami sila. Dadalhin daw ata ako sa Dasmariñas, Cavite. So sinilent mode ko na po 'yung telepono ko. And I texted my brother na may dumukot na sa akin. Bumulnot. Bicolano po kasi so, ang loose translation, may kumuha na sa akin. So naturally my family was really, really alarmed. So ako naman po ng narinig ko na nasa Southwoods na kami... Nung narinig ko na sa Dasmariñas, Cavite ako dadalhin, naisip ko po si Dacer. So nag-text ako kaagad sa kapatid ko na i-triangulate kaagad kung nasaan itong telepono ko. Telecom engineer naman po ako so alam ko ang mga kakayahan sa telecom. Sabi ko, 'Do your best to triangulate and find this signal. Tapos sinabihan nila ako, 'Sir, tumigil na po kayo sa kate-text. Nakukuha lang naman namin eh.' So inikut-ikot pa rin nila ako. Ang layo na po namin. Nasa Calamba na ako. Nagte-text na ako. Sabi ko, 'Madilim na, gabi na.' Sabi ko, 'Do your best to find me.' Hanggang pinapatay na iyong telepono sa akin. (end of Part 3) - GMANews.TV ZTE hearing (Part 1): I cannot tell a lie - Lozada ZTE hearing (Part 2): Palace exec told Lozada to go abroad ZTE hearing (Part 3): I was reminded of the Dacer case - Lozada ZTE hearing (Part 4): Calm your wife down - Neri to Lozada ZTE hearing (Part 5): Mike Defensor told me to deny abduction - Lozada ZTE hearing (Part 6): Lozada tried to reconcile proposal of Joey de Venecia, Abalos ZTE hearing (Part 7): Abalos called FG - Lozada ZTE hearing (Part 8): Abalos threatens to kill Lozada