Filtered By: Topstories
News

ZTE hearing (Part 7): Abalos called FG - Lozada


’Protektahan ang 130’ And then, the trouble started when chairman Abalos called me. He said, Jun, mukhang maganda na ‘tong structure na ‘to. Proteksyunan mo lang 'yung 130 natin d'yan. Sabi ko, chair, mukhang malaki 'yun. Sa vernacular nga po, alam ko ho sa Tagalog 'yun kasi Tagalog naman kami pag nag-uusap, hindi kami nag-i-inglisan, sabi ko, sir, bubukol po ‘yan. Napakalaki n’yan. Baka po 65 pwede pa, kasi 65 out of 200, ano baka mga 33 percent, bale sasabihin ko po kay Joey. Nung sinabi ko kay Joey na Abalos wanted 130, oh, Joey has a very colorful language, 'no? Hindi ko na uulitin. So ano, sabi niya papaano ko ‘to ire-reflect sa libro 'yan? Malabo 'yan? So sabi ko kay chair Abalos, sir, malabo talaga. So sabi ngayon ni chairman Abalos, sabi niya, in between po 'yan ng mga golf games namin, ‘di ko na po maikukwento 'yan, ‘di ko na natatandaan lahat. Sabi niya didirestso na uli ako. Sabi ko, chair, hindi kayo pwedeng dumiretso kasi loan basis 'yung proyekto ninyo. Kabilin-bilinan po sa akin ni Sec Neri at according po kay Presidente ang NBN BOT lang ho dapat 'yan. Abalos calls FG So ang ano n'ya is medyo nagagalit siya. Sabi niya, ‘o sige tawagan natin si pare. Tawagan natin si FG.’ Kinuha niya telepono niya, sabi niya, “pare, nandito sa katabi ko 'yung taga-NEDA." He calls me taga-NEDA kasi kay Sec Neri. Ang sabi niya ang sabi n'yo raw hindi pwedeng i-utang 'yung project ko. 'Di ko na lang po naririnig 'yung sa kabila. Ang sabi niya, “kung ganyan kayo kahirap kausap, ayoko na rin kayong kausap. Kalimutan n'yo na lahat 'yung pinag-usapan natin." Tapos binaba na niya. Tatawag ‘yun, sabi niya. Si chairman Abalos po pag kaibigan niya napakabuting kaibigan, well tumawag nga. Sabi n'ya, OK na. "Moderate their greed" Kaya ko po nalaman na totoo 'yun, kasi po kinabukasan po may dumating na sulat galing… ba’t ba sinabi kong kinabukasan, basta right after. Basta napakabilis po. May dumating na sulat mula sa Chinese ambassador na binigyan ng kopya 'yung NEDA na meron nang available na loan facility sa NBN, independent of the cyber education. So napabilib ho ako nun. Nag-report ako kay Sec. Neri sabi ko, Rom, siga talaga ‘tong si chairman, no? Sabi niya, Jun, kaya mag-iingat ka. Mag-iingat ka kasi hindi pwedeng mag ano 'yan, so do your best na maano 'yan. And sabi niya, “you moderate their greed." ZTE dinners So ako naman during nung mga ganoong kalagitnaan, 'yung mga ZTE panay naman 'yung pa-dinner sa akin. Cheap lang po ako, sa dinner lang ako nakukuha e, so panay ang pa-dinner sa akin, alalang-alala na raw po sila, dahil 'yung mga advances nila kay Abalos wala pa ring nangyayari. Sabi ko sa kanila, 'wag kayong mag-aalala, umaandar na 'yung project n'yo. So sometime toward December na po, siguro kakukulit nitong mga taga-ZTE, nandito po kami ni chair Abalos sabi niya, “tawagan mo si Joey mag-dinner tayo sa Makati Shangri-La nandun si FG." So nag-dinner po kami, nandito po ako (points direction) nandito si Ben Abalos, nandito si Joey after a while po kasi may dinner din po sila. Umupo na rin sa harap namin si FG. Parang gusto ipakita ni chair Abalos, pare, “OK na kami. OK na kami. OK na rin kami sa NEDA." So nagkwentuhan na rin po kami sa ibang project. Ayoko na po munang banggitin kasi baka lumaki pa ho 'yung mga problema ko. So nagpunta na sila ng China. Dapat po kasama ako dun, buti na lang sinabihan ako ni Sec Neri na huwag ka nang sumama d'yan at magulo 'yang grupo na 'yan. So hindi ako sumama. Pagbalik po nila ng Enero, eto na anaman po…may lunch na naman po kami. Pasensya na po, puro kami lunch, dinner. Nagpunta po kami sa Shangri-La Makati. Si Sec Neri ako, si chairman Abalos, 'yung bagong commercial counselor ng China, ZTE, at 'yung usual na kasama ni chair Abalos pinalalabas po ni chair Abalos sa kwentuhan sa ZTE na eto OK na 'yung project natin. NBN package like NorthRail Sec Neri took exception to the project. Sabi niya, “no hindi pwede 'yan, hindi talaga 'to pwedeng loan, ang project n'yo dapat BOT." Insist po nang insist 'yung mga taga-ZTE na gusto nila ng financial package sa NBN dapat may loan agreement parang sa Northrail. Ulit sila nang ulit sa Northrail. Maybe they know something about Northrail that I do not. 'Yun 'yung lagi nilang ini-insist. Ang sabi nila ang gusto nilang agreement ay similar to Northrail. I don’t know why the insistence. Magaling po sir, si Neri, magaling po 'yung samahan namin n'yan eh. Nung nakita n'yang nagkakainitan na 'yung ulo ng mga tao doon, sabi niya aalis na po, guys I have to leave in 5 minutes. 'Yung mga nakakakilala kay Sec Neri alam n'yan. “Guys, I have to leave in 5 minutes." So tayo na siya, tatayo na rin ako, tapos sabi niya, “but Jun, Jun will stay behind." Sabi ko, patay. (End of Part 7) [133:41] - GMANews.TV ZTE hearing (Part 1): I cannot tell a lie - Lozada ZTE hearing (Part 2): Palace exec told Lozada to go abroad ZTE hearing (Part 3): I was reminded of the Dacer case - Lozada ZTE hearing (Part 4): Calm your wife down - Neri to Lozada ZTE hearing (Part 5): Mike Defensor told me to deny abduction - Lozada ZTE hearing (Part 6): Lozada tried to reconcile proposal of Joey de Venecia, Abalos ZTE hearing (Part 7): Abalos called FG - Lozada ZTE hearing (Part 8): Abalos threatens to kill Lozada